Pages

Hoyop-hoyopan Cave Camalig Albay Philippines

Maaring hindi ito kasing ganda ng underground river sa Palawan at ibang kweba, subalit ito ay isang kakaibang karanasan ang aasahan kapag narating at mapakasok kayo sa loob ng Hoyop-Hoyopan Cave. Tiyak na mabibighani kayo sa mga pagbuo ng bato na parang mga kristal. Kagulat gulat din ang natural na lamig at aliwalas sa loob. Ang kweba na nasa taas ng bundok ay nakalubog sa ilalim ng tubig, may mga Corals.
Mas mainam na dumating na handa gamit ang iyong sariling mga flashlight, mas mabuti ang mga head lamp. Kailangang magkaroon ng tamang kasuotan sa paa para hindi madulas.



Isang kawili-wiling rock formation na may iba't ibang hugis at sukat na tiyak na magpapagana sa iyong imahinasyon. Ang nakatagong hiyas na ito sa Camalig, Albay ay kaakit-akit at makasaysayan din.





Isang paalala lamang at medyo madulas ang sahig kaya dapat mag ingat sa bawat pag hakbang at paglalakad sa loob. May mga butas at lagusan na may kaliitan subalit isang katagumpayan kapag ito’y iyong nalagpasan.



Kasaysayan:
Sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ito ang naging ligtas na kanlungan para sa mga pwersang lumalaban sa pananakop ng Hapon, ang mga "Hukbalahap" na mga mandirigma sa kalayaan.

Iba't - Ibang Magagandang Tanawin

Sa kasalukuyan, ito ang evacuation center ng mga taga-roon kapag may malalakas na bagyo dahil karamihan sa mga taga-nayon ay naninirahan lang sa mga nipa hut.


Oras ng Pagbisita:
    Araw- Araw: 6:30am – 6:00PM

Paano Marating ang Hoyop-hoyopan Cave?

A. Mula sa Manila maaring sumakay ng Bus patungong Legazpi at Bumaba sa Bayan ng Camalig. Mula sa bayan ng Camalig sumakay ng tricycle patungo sa Hoyop-Hoyopan Cave. Maari ring ang private na sasakyan.

B. Sasakyang Panghimpapawid. Mula manila sumakay ng Eroplano patungong Bicol International Airport, mula sa airport mayrun ng mga sasakyan patungo sa Hoyop-Hoyopan Cave.

Ating Tuklasin ang Ganda ng Catanduanes

No comments:

Post a Comment