Mga Lugar at Pook Pasyalan sa Bicol Region Philippines: August 2022

Camsur Watersports Complex - Pili Camarines Sur

Sa mga gustong bumisita sa probinsya ng Bicol subalit walang ideya kung ano ang gagawin doon bukod sa makita ang mga makapigil-hiningang tanawin ng Bulkang Mayon? 


Kung kayo ay mahilig sa watersports adventures, ang Camsur Watersports Complex ang swak para sayo. Ito ay matatagpuan sa Cadlan, Pili, Camarines Sur. 

Ligñon Hills Nature Park- Bicol Turismo

Saksihan ang ginintuang sinag ng araw na umaabot patungo sa Legazpi, Daraga, at Albay Gulf.


Ang Ligñon Hill ay matatagpuan sa pagitan ng Legazpi at Mount Mayon, isa ito sa mga nag gagandahan at sikat na pook pasyalan sa lugar ng Albay. Kilala din ito bilang 'Protector of Legazpi City', ang Ligñon Hills Nature Park ay nagsisilbing pananggalang para sa pagpapanatiling ligtas ang sentro ng rehiyon mula sa mga sakuna.

LEGAZPI BOULEVARD LEGAZPI CITY PHILIPPINES

Ang Legazpi Boulevard and maihahalintulad sa Roxas Boulevard na isa ring sikat na pook pasyalan sa Manila. 
Subalit dito sa Legazpi Boulevard ay inyong masasaksihan ang kagila-gilalas na tanawin ng Bulkang Mayon at Burol na nakapaligid sa Legazpi Boulevard na siyang nakadagdag atraksyon na nag-uugnay sa kagandahan ng kalikasan sa nasabing kalsada.
Bukod sa pamamasyal ay marami pang pwedeng gawin at makita sa Legazpi Boulevard. Maaaring tingnan ang mga makasaysayang marka na nasa paligid ng lugar.