Ang Legazpi Boulevard and maihahalintulad sa Roxas Boulevard na isa ring sikat na pook pasyalan sa Manila.
Subalit dito sa Legazpi Boulevard ay inyong masasaksihan ang kagila-gilalas na tanawin ng Bulkang Mayon at Burol na nakapaligid sa Legazpi Boulevard na siyang nakadagdag atraksyon na nag-uugnay sa kagandahan ng kalikasan sa nasabing kalsada.
Bukod sa pamamasyal ay marami pang pwedeng gawin at makita sa Legazpi Boulevard. Maaaring tingnan ang mga makasaysayang marka na nasa paligid ng lugar.
Ang estatwa ni Miguel Lopez de Legazpi (ang Espanyol na mananakop na ipinangalan sa lungsod), ang JCI Legazpi Tourism marker at ang Freemason obelisk ay kumukumpleto sa listahan ng mga landmark na matatagpuan sa kahabaan ng boulevard.
Ito ay umaabot mula sa central business district at port area ng lungsod hanggang sa katimugang mga barangay, ipinapakita nito ang kabundukan ng Sorsogon na nasa bandang timog nito.
Iba't - Ibang Magagandang Tanawin
Sa kahabaan ng halos tatlong kilometro, ang nasabing kalsada ay naging perpekto para sa iba't ibang fitness activities tulad ng jogging, running, walking, biking at maging ang pagsasayaw ng zumba.
Mayroon ding mga tindahan na nag-aalok ng Jet Ski rental para sa mga naghahanap ng mas adventurous na uri ng aktibidad. Ang iba pang mga sporting event ay ginaganap din sa waterfront area na nagbibigay-daan sa mga interesadong sumali at manood.
Nakaka-magnet din ang mga gustong kumain at mag-enjoy sa view. Bukod sa busog ang inyong mga mata sa magandang tanawin ng lugar at para maging busog din ang inyong tiyan ang boulevard ay puno ng ilang mga restaurant at cafe na tiyak na mabubusog at masusulit ang pagpasyal.
Ating Tuklasin ang Ganda ng Catanduanes
Legazpi Boulevard Lokasyon:
No comments:
Post a Comment